News:

E, Ikaw, Gov. Vi, Meron? Wala, Wala, Wala!
Nora Naghimala, Movie Pasok sa Best Asian Films of the World
Star Connection ni Oghie Ignacio.
Bulgar, September 21, 2008

    Isang malaking achievement na naman ng Superstar na si Nora Aunor ang magandang balita from CNN UK (United Kingdom) na napasama sa Best Asian Films of the World ang klasikong obra na HIMALA idinirehe ng National Artist for Film na si Ishmael Bernal (SLN) 26 years ago mula sa Experimental Cinema of the Philippinesna pinamahalaan ni Congresswoman Imee Marcos-Manotoc.

    Puro pinakamahuhusay  na pelikula sa iba't ibang bansa ang napasali sa nasabing "citation" gaya ng Japan, China, India at marami pang iba. Pero nakatutuwa at nakapaninindig balahibo talagang sa Pilipinas na napakarami ring nagawang mahuhusay na pelikula, tanging HIMALA ang nag-iisang napasali sa listahan ng pinakamahuhusay na obra sa buong mundo.

    Kumalat ang magandang balita sa internet, maging sa mga e-mails ng International Circle Online Noranians o ICON kaya tuwang tuwa ang mga Noranians sa ibang bansa nang malaman 'yun, gayun din naman ang mga fans niya rito sa ating bayan.

    Pakiramdam ng mga tgasubaybay ng Superstar ay vindicated sila sa pambabastos at pamumulitika noon sa movie ng kanilang idolo na hindi man lang nanalo ng awards (except sa Metro Manila Film Festival '82).

    Isa nga namang malaking sampal 'yun sa mga nagmamanipula sa industriya ng local showbiz, lalo na sa mga detractors ni Nora na nagsabing si Vilma Santos lang ang dapat na maka-grand slamfor Relasyon na kahit tumabla pa ang Superstar ay gusto nilang palabasing hindi rin uubra.

    After two decades ay saka mari-realize na karapat-dapat din nga palang nakapagkamit ng award si La Aunor para sa great film niyang 'yun.

    Although wala namang kinalaman si Ate Vi ru'n at tinaggap ni mamaGuy ang kanyang pagkatalo'y bigla namang itinakda ng tadhana na ang pagkakagawa ng pelikulang HIMALA
sa kabuuan ay hindi lang dito ipagbubunyi at hahangaan kundi maging sa iba't ibang panig din ng mundo.

    At pangalawang pagkakataon na ito ng Superstar na nag mga klasikong niyang obra'y napasali sa listahan ng pinakamagagaling at pinakamalalaking pelikula sa mundo.

    Matatandaang ang BONA niya from her own NV Productions na idinirek ng isa pang National Artist for Film na si Lino Brocka (SLN) ay cited as One of the Best Films In The Third World sa Museum of Tolerance in New York nu'ng 1996. At heto naman ngayon ang HIMALA sa CNN UK na umani ng panibagong paghanga at pagkilala ng mga kritiko sa ibang bansa.

    Ibig lang sabihin, meron pa ring tunay na himala sa buhay ng Superstar na nagaganap at itinatadhana. Matapos ang magandang balita sa pagiging Green Card holder ni Bulilit at pagkakaroon niya ng nalalapit na concert this coming October 24 at the Grand Theater of Los Angeles Technological College ay nagwagi rin ang libro ni Irma Dimaranan ng Book Development Association of the Philippines, Gintong Award for Literature (na ginanap last week sa SMX Mall of Asia).

    'Yun nga ang naglalayag na siya ring obra  ni Nora na nagpanalo sa kanya ng ika-3rd International Best Actress Awards sa Brussel Film Festival in Belgium at iba pang awrd giving bodies. Kaya, panibagong pagbubunyi na naman ito ng mga Noranians sa buong kapuluan.

    At least, puro positibo at magandang chika na ang nababalitaan ng kanyang mga fans at kaibigan  dito sa Pilipinas. Hangad nilang makabalik sa bansa si Nora at makagawa ng magagandang proyekto sa telebisyon at pelikula na muling hahangaan sa iba't ibang panig ng mundo.

    Tunay ngang natatanging yaman si la Aunor sa industriya ng pelikula, telebisyon, musika at entablado. Bonggang Bongga ka pa rin, Mama Guy!

 

  Top
 

Source:


Himala
Ishmael Bernal

 


Content on this page requires a newer version of Adobe Flash Player.

Get Adobe Flash player