Friday, July 19, 2019 at 8 PM – 12 AM
TAuMBAYAN
T. Gener, 1107 Kamuning, Quezon City, Philippines
Tampok sa gabing ito ang mga tulang isinulat ng Makata ng Bayan na si Rogelio “Ka Roger” Ordoñez.
Isang premyadong manunulat si ROGELIO L. ORDOÑEZ – kuwentista’t nobelista, makata’t peryodista — Gantimpalang KADIPAN sa sanaysay at maikling kuwento, Gantimpalang Liwayway sa nobela, Gawad Balagtas sa pamamahayag, Pambansang Alagad ni Balagtas sa literatura, Jose Rizal National Centennial Commission sa sanaysay at Gawad Alejandro G. Abadilla bilang “malikhaing manunulat at militanteng peryodista.” Pinarangalan din siya ng probinsiya ng Cavite bilang Progresibong Caviteño sa larangan ng panitikan, at ng mismong bayan niya ng Imus bilang natatanging taga-Imus sa literatura.
Noong Hunyo 25, 2011, ginawaran siya ng KM64 Poetry Collective ng titulong MAKATA NG BAYAN “dahil sa kanyang panulaang masugid na nagsusulong sa mga adhikain at pakikibaka ng sambayanang Pilipino, lalo na yaong nakararaming isinadlak ng hari-hariang iilan sa mga imburnal at pusali ng lipunan.”
Kinikilala ang mga likhang tula ni Ka Roger sa larangan ng panitikan at literatura. Mas lalo nating kilalanin ang kaniyang mga tula sa pamamagitan ng pagbabasa nito at pagtatampok sa kanyang mga ambag sa natatanging gabing ito.
Invite
https://www.facebook.com/events/472538599989094/