Kulturaserye tungkol sa Puso ng Pilipinas ngayong Buwan ng Kababaihan

Bago matapos ang Buwan ng Kababaihan ay magkakaroon ng pampinid na episode ang Kulturaserye ng Pennsylvania Language Center bilang bahagi ng Fullbright Philippines at Romblon State University. Si Asst. Prof. Gianinna Labicane ang punong-abala mula Pebrero 8 hanggang Marso 15 bilang foreign-language teaching assistant (FLTA) ng Fullbright sa University of Pennsylvania.

 

 

Nagsimula ang Kulturaserye tungkol sa usapang katutubo kasama si Dr. Borromeo Motin sa unang episode nito sa pagdiriwang ng Buwan ng mga Sining habang ang kasunod naman ay tungkol sa Ebolusyon ni Maria Clara kasama si Bb. Candice Kristen Lleses isa pang FLTA sa Michigan State University naman noong Pebrero 14.

Nagkaroon din ng Kulturaserye tungkol sa Sapantaha: Challenging Filipino Stereotypes kasama ang mga FLTA kagaya ni Candice Kristen Lleses, Ryan Roi Domingo ng Skyline College, Dr. Maico Demi Aperocho ng Gonzaga University at Ma. Cristina Consuelo ng Northern Illinois University kasama din sina G. Garry Vanz Blancia at Asst. Prof. Ricky Michael Oliva mula pareho sa Romblon State University.

Naging tampok rin ang Bahaghari: Experience and realities faced by LGBT+ communities in the Philippines kasama ang Graduate Diploma in Cultural Education (GDCE) titser-iskolar si Vince Justin Roland Madriaga na tumatayong Gender and Development tsaka Research Coordinator ng Bognuyan National High School. Sa pagsisimula naman ng buwan ng kababaihan, nagbahagi si Sir Juniel Lucidos ng Romblon State University tungkol sa Binhi: The Pains and Gains of Filipino Farmers.

BIlang pangFinale ang huling Kulturaserye sa Buwan ng Kababaihan idaraos ngayong Marso 15 ay tungkol sa Marinduque – A Journey to the Heart of the Philippines kasama ang Island Innovation Ambassador si Dr. Randy Nobleza at Direktor ng Office of Media and International Affairs Sir Chito Mandia buhat sa Marinduque State College na naging mentor ni Asst. Prof. Labicane kung saan rin siya nagtapos at nagsimula sa akademya.