LB Gayla Night

The 2024 Los Baños Pride Celebration

 

Ang LB Gayla night ay isang espesyal na gabi kung saan nagsasama-sama ang mga miyembro ng LGBTQIA+ Community, kasama rin ang mga Ally at bumubuo ng pamahalang sa Bayan ng Los Banos upang kilalanin, makasalamuha at ipagdiwang ang mga kontribusyon ng LGBTQIA members sa ating bayan. Its ay pambihirang pagkakataon na naglalayon na maiparamdam ng Pamahalaang Bayan ng Los Banos ang mataas na respeto sa karapatan ng bawat isang indibidwal ano man ang kasarian o identidad. Ang LB Gayla Night ay gabi ng pagkakaisa at pagkilala kaalinsabay sa pagdiriwang ng Pride Month sa bayan ng Los Banos.

 

 

Ano ang Pride?

Ang Pride ay isang kampanya para sa kalayaan at pantay na pagtingin sa LGBTQ+ Community, mas kilala sa tawag na Pride March, una itong isinagawa noong 1970 sa Manhattan, Estados Unidos Nang komemorasyon sa nangyaring Stonewall riots noong June 28, 1969. Isinasagawa ito towing Hunyo kung saan ay nagtitipun-tipon ang LGBTQ+ Community para sa isang pantay at malayang lipunan.

 

 

Ano ang SOGIE?

Ang SOGIE ay acronym para sa Sexual Orientation, Gender Identity and Expression. Ito ay tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang indibidwal, mula sa kanilang kasarian, oryentasyong sekswal, at pagpapahayag ng kanilang kasarian. Ang mga katangian na ito ay bahagi ng kung sino at ano ang tunay na nararamdaman ng isang tao, at hindi siya dapat diktahan ng iba o ng mga pang-araw-araw na kapaligiran. Sa mga nakaraang taon, ang konsepto ng SOGIE at kalayaan sa pagpipiliang kasarian ay lumago bilang kinikilalang bahagi ng mga karapatang pantao at laban sa diskriminasyon.