Sa lalim ng panahong ating ginugol upang sugpuin ang mga nagpapanggap na dalisay – bawat pag-ibig, tuwa, sigaw at dalamhati ng mga nahuhulog sa patibong at tumatanaw para sa mga ito, hindi pa rin natin sigurado kung tunay nga tayong nagtatagumpay. Paulit-ulit natin silang pinagbubuksan ng pinto, pinaghahandaan ng mainit na kape’t ‘sang mangkok ng kakanin habang minamasahe ang kanilang balikat. Ilang pagkakataon pa tayong hahalik sa talampakan ng mamahalin nilang tsinelas? Hindi kailanman tayo magtatagumpay hangga’t may mga katawang nagpapatangay sa naglilinis-linisang hangin, mabulaklak na salita at mga pangakong walang laman. Hanggang kailan? Ano, hindi mo alam? Na naman?
Inihahandog ng PUP Sining-Lahi Polyrepertory para sa unang yugto ng ika-41 nitong tagdula, sa makulay na panulat ni Carlo Vergara at unang pagdidirehe ni JR Ambol, ang natatanging likhang kikiliti sa imahinasyon ng ating pagkabata at magbibigay katanungan sa ating pagkatanda, ang
MULA SA KULIMLIMAN
Sa pagganap nina
Louella Ladaran
Jovie Laika Dolotina
at Elijah James Borres
Sa ilalim ng pamamahala nina
John Elisha Añora at Kathleen Wagas para sa Produksyon
Rhythm Joy Alolor at Jaja Latorino para sa Entablado
Carly Avila at Lemross Monte para sa Merkado
Sa malikhaing disenyo nina
Angelica Biescas para sa Entablado
Elijah James Borres para sa Kasuotan
Jovie Laika Dolotina para sa Tunog at Musika
Lean Gabriel Bustillos para sa Ilaw
Louella Ladaran para sa Lathala
at Lalaine Rebong para sa Bidyo
Samahan kaming ilipat ang bawat pahina ng makulay na kwento ng hiwaga at pag-ibig sa
Marso 28 | Marso 30 | Abril 1
Ganap na 7:00 N.G.
Sa opisyal na Facebook Page ng PUP Sining-Lahi Polyrepertory
PUP Sining-Lahi Polyrepertory
Facebook Twitter Instagram YouTube TikTok
Para sa iba pang impormasyon, maaari kayong makipag-ugnayan kay Patricia Pareja o tumawag/magpadala ng mensahe sa 0966-930-3260.
Interesado ka bang manuod ng aming pagtatanghal?
Related Article
Sining-lahi Polyrepertory to Stream “Mula sa Kulimliman”