Pagbabalik ng Saranggola Awards

Mula sa orihinal at napagkasunduang petsa ng patimpalak, Disyembre 1-Enero 31, 2024, ito ay binago at magpapatuloy pa hanggang sa huling araw ng Pebrero.

 

 

Saranggola Blog Awards 2024: Pagpapatayog ng lipad ng ating kaalaman sa larangan ng pagsulat ng tula, kuwentong pambata, maikling kuwento at sanaysay.

Sa pagbabalik ng Saranggola Awards 2024, ito ay isang napakalaking oportunidad upang ipamalas ang angking galing at husay ng mga manunulat. Kaugnay nito, malugod na ipinababatid ng CCP-Intertextual Division ang pagbabago ukol sa petsa ng paglahok.
Kaya ano pa ang hinihintay mo?

Huwag putulin ang sinulid ng pagkakataon upang ipagmalaki ang tinatagong talento.

Tema: “Lingap sa Hinaharap”

Mga Kategorya:

• Maikling Kuwento
• Kuwentong Pambata
• Tula
• Sanaysay

Petsa ng Patimpalak: Disyembre 1 – Pebrero 29, 2024

Mga Kalahok:

1. Filipino citizen, 18 taong gulang pataas (18 years old bago mag Pebrero 29, 2024).
2. Nasa loob o labas ng Pilipinas.
3. May blog na o magsisimula pa lang na mag-blog.
4. Gumagamit ng blog platform gaya ng WordPress, Blogger, Tumblr at iba pa basta ito ay naka-public upang mabasa ng lahat (Ilagay sa kategoryang R18 kung sa tingin mo ay maselan ang iyong paksa at hindi angkop sa nakababata).
5. Maaaring lumahok ang mga dati nang nagwagi sa patimpalak na ito.

 


Tula:

1. Lumikha ng tatlong tula na may kani-kaniyang pamagat na nakaayon sa temang “Lingap sa Hinaharap.”
2. I-post bilang isang blog entry at lagyan ito ng isang kabuuang pamagat.
3. Isulat sa ibaba ng tula na ito ay lahok sa Saranggola Awards 13.

Maikling Kuwento

1. Maikling kuwento na may temang “Lingap sa Hinaharap.”
2. HINDI hihigit sa 3000 salita. Isang (1) puntos ang ibabawas sa bawat sobrang isang daang (100) salita.
3. Ang pamagat ng maikling kuwento ang siyang magiging pamagat ng blog entry – kinakailangang isulat sa ilalim ng maikling kuwento na ito ay lahok sa Saranggola Awards 13.

Kuwentong Pambata

1. Nakatuon sa temang “Lingap sa Hinaharap.”
2. HINDI hihigit sa 1500 salita. Isang (1) puntos ang ibabawas sa bawat limampung (50) sobrang salita.
3. May mga salita at aral na angkop sa mga batang nasa edad 12 pababa.
4. Ang pamagat ng kuwentong pambata ang siyang magiging pamagat ng blog entry – kinakailangang isulat sa baba ng kuwento na ito ay lahok sa Saranggola Blog Awards 13.

Sanaysay

1. Sanaysay na may temang “Lingap sa Hinaharap.”
2. HINDI hihigit sa 3000 salita. Isang (1) puntos ang ibabawas sa bawat isandaang (100) sobrang salita.
3. Ang pamagat ng sanaysay ang siyang magiging pamagat ng blog entry – kinakailangang isulat sa baba ng sanaysay na ito ay lahok sa Saranggola Awards 2023.
4. Ilagay o ipakilala sa ibabang bahagi ng lahok ang mga sanggunian at anotasyon na ginamit.

Kabuuang Gabay

1. Ang lahat ng lahok ay nasa wikang Filipino.
2. Ipadala ang lahok sa www.saranggola.org.ph simula Disyembre 1, 2023 – Pebrero 29, 2024.
3. Tiyaking sa inyo ang ilalahok at hindi kinopya nang buo o kahit bahagi lamang ng ibang akda.
4. Isang entry lamang ang maaaring i-blog sa bawat kategorya subalit maaaring sumali sa lahat ng kategorya.
5. Kinakailangang bago ang lahat ng entries at hindi puwede ang na-ipost na sa inyong blog.
6. I-post ang inyong entry sa inyong blog.
7. Kinakailangan ding ilagay sa loob ng blog entry o sa mga sidebar ng blog ang Saranggola Awards logo, Cultural Center of the Philippines logo, DMCI Homes Property Advisors Unit logo at ang web link patungo sa kanilang web address.
8. Tinitiyak ng organizer na ang orihinal na may akda ay hindi mawawala sa pagkilala bilang orihinal na gumawa ng entry/entries.
9. Ang desisyon ng mga hurado ay pinal.
10. Ipapabatid sa lahat ng mga sumali kung ang kanilang lahok ay opisyal na tinanggap sa Pebrero 29, 2024. Titiyakin ng bumubuo ng SA na ang lahat ng lumahok ay nakasunod sa panuto.
11. Maaaring makasama ang inyong lahok sa paglathala ng mga nagwagi sa taunang SA sa mga susunod na araw/taon. Hihingin ang inyong pahintulot sakaling buuin bilang isang aklat ang mga lahok/entry ng SA.
12. Ang Saranggola Awards ay walang pananagutan kung sakaling ang mga akda ay napag-alamang kinopya lamang ng mga lumahok. Gayunpaman, kung mapapatunayan na ito ay hindi orihinal, agad na aalisin sa listahan ng mga kalahok at babawiin ang pagkilala sakaling manalo ang akda.

Paano pipiliin ang mananalo

1. Ang lahat ay dadaan sa masusing pagpili ng mga hurado.
2. Ang magkakamit ng pinakamataas na puntos mula sa mga hurado ang mananalo!

Karangalan para sa SA

Ang magwawagi ng unang karangalan sa mga kategoryang Maikling Kuwento, Kuwentong Pambata, Tula, at Sanaysay ay magkakamit ng:
a. Php 6,000 cash
b. Special commemorative award

Ang ikalawang karangalan ay tatanggap ng:
a. Sertipiko ng karangalan
b. Php 4,000 cash

Ang ikatlong karangalan ay tatanggap ng:
a. Sertipiko ng karangalan
b. Php 2,000 cash

Huwag kalimutang ilagay ang logo ng Saranggola Awards sa ibaba ng inyong blogpost entry o sa sidebar ng blog at ilink ito sa www.saranggola.org.ph upang maging opisyal ang inyong lahok. Ilagay rin ang logo ng ating sponsor, ang Cultural Center of the Philippines, sa ibaba ng inyong blogpost entry/sidebar upang maging opisyal ang inyong lahok. Maaaring tingnan ang kanilang logo at i-link sa kanilang website:

CCP http://cultualcenter.gov.ph at DMCI Homes http://dmcicorpsales.com
Facebook page: http://www.facebook.com/SaranggolaPH
Facebook group: http://www.facebook.com/groups/287982881258287

Kung may nais pang itanong, maaring mag-chat sa FB ng Saranggola o mag-email: admin@saranggola.org.ph