Philippine Noir:

Pagbalagwit sa Bagong Puwersa at Histerya ng/sa Panitikang Pilipino

 

 

Inihahandog ng MAF Society, samahan ng mga mag-aaral ng Master ng Artes sa Filipino (MAF) ng Graduwadong Paaralan ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, ang unang Tampok na Lektura sa Bayan ngayong taong 2022 kasama si Dr. Jun Cruz Reyes sa kanyang pagtalakay sa paksang: “Philippine Noir: Pagbalagwit sa Bagong Puwersa at Histerya ng/sa Panitikang Pilipino”.

Layon ng lekturang ito na maipakilala ang isa pang maanghang na genre ng Panitikang Pilipino at ang implikasyon nito sa kinagawiang panitikan sa Pilipinas. Ang lekturang ito ay bukas para sa lahat ng mga nais lumahok, at maaaring makatanggap ng sertipiko. Gaganapin ito sa Enero 28, 2022, Biyernes, ika-1:00 ng hapon sa pamamagitan ng Zoom at Facebook Live.

Taong 2021, inilunsad ng MAF Society, ang samahan ng mga mag-aaral ng Master ng Artes sa Filipino (MAF) sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas ang Tampok na Lektura sa Bayan (TLB). Regular na itinatampok sa TLB ang mga propesor na nagtuturo sa Master ng Artes sa Filipino (MAF) sa PUP.

Para sa mga interesado, mangyaring magpatala lamang sa link na ito: https://bit.ly/3npeQS4