Sa 19 Enero 2024, ipagdiriwang ni Victor Emmanuel Carmelo Nadera Jr. ang kanyang ika-60 kaarawan sa Ignacio B. Gimenez-Kolehiyon ng Arte at Literatura (IBG-KAL) sa UP Diliman. Malugod niyang anyayahan ang lahat sa selebrasyong tinawag na SALAMAX@60 “matapos kong mag-Pasko sa ospital at mag-noche buena ng suwero’t gamot!”
Hinati ang programa na magsisimula sa (a) Pagbubunsod o lunsad-librong pinamagatang Gadaling-Noo (2021) at Kumusta, 2020? (2022) na bahagi ng Philippine Writers Series ng U.P. Press at Likhaan: U.P. Institute of Creative Writing at pagpapakilala ng Pondong Lusog-Puso’t Isip sa 1PM.
Susundan ito ng (b) Pagbubukas o presentasyon ng photo ng tokayo ng makata si Wika at video na gawa ng 3D o ng kaaiyang kabiyak si Dinah Palmera at panganay at bunso niyang Dinah Psalma at Dinah Sulat sa 3PM; at (c) Pagdiriwang o pagtatanghal ng mga alagad ng sining sa 5PM.
Kasama sa Salamax@60 ang mga sumusunod: National Artists Virgilio Almario, Gemino Abad, Ricky Lee, Ramon Santos, maging sina Efren Abueg, Teo Antonio, Joey Ayala, Joey Baquiran, Bataan High School for the Arts (BHSA), Ron Biñas, Rommel Bonus, Dax Cutab, Ony Carcamo, Khavn de la Cruz, Gerome de la Peña, Boyet de Mesa, Lourd de Veyra, Mike Coroza, Easy Fagela, Ralph Fonte, Roland Fronda, Ramil Gulle, Nerisa Guevara, Schedar Jocson, Laya PH, Marne Kilates, Hannah Leceña, Jim Libiran, Juliet Mallari, Siege Malvar, April Misa, Jimmuel Naval, Yvette Parcon, Paul Val Peña, Philippine High School for the Arts (PHSA), Nazer Salcedo, Bryan Santos, Solidarity In Performance Art (SIPA), Joti Tabula, Talula Craft, The Makatas, The Batutes, Roland Tolentino, Kate Torralba, Krip Yuson, Galileo Zafra, Greg Zuniega, at marami pang iba.