Music & Lyrics by Nicole Abuda
℗ 2018 Nicole Abuda
Released on: 2018-12-22
Lyrics
Tila’y nabihag ang damdamin
Bawat yakap ay kay sarap damhin
O nais kong awitin
Ang himig ng pag-ibig natin
Tila’y nabihag ang isipan
Pagtingin sayo’y walang hanggan
O para bang kanlungan
Na kay sarap balik-balikan
CHORUS:
O di ko sinasadyang maging alipin ng pag-ibig
Sa panaginip ay ikaw ang kapiling
Sa bawat araw ikaw ang tanging hanap ng damdamin
Ang di ka mahagkan o kay sakit
Di na kayang pigilan pa
Ang pag-agos ng pag-ibig na tila’y itinadhana
Na tila’y pinagsadya
Di na papalipasin pa
Sana’y pagbigyan ng tadhana
O kay sarap awitin ng himig ng pag-ibig natin
CHORUS
Di ko sinasadyang maging alipin ng pag-ibig
Sa panaginip ay ikaw ang kapiling
Sa bawat araw ikaw ang tanging hanap ng damdamin
Ang di ka mahagkan o kay sakit
Ooh..
O di ko sinasadyang maging alipin ng pag-ibig
Sa panaginip ay ikaw ang kapiling
Sa bawat araw ikaw ang tanging hanap ng damdamin
Ang di ka mahagkan o kay sakit
Ang iyong bawat halik o kay tamis