Tuesday, September 10, 2019 at 6 PM – 9 PM
Conspiracy Garden Cafe
#59 Visayas Avenue, 1100 Quezon City, Philippines
Halina sa isang gabi ng mga tulang tumatalakay sa mga nagaganap sa ating bayan!
FREE ENTRANCE!
Maari ding magpalista para sa open mic.
Maningning Vilog, isang indigenous peoples advocate. Bahagi rin ng grupong Nawaya at KAMANDAG.
Jonalyn C. Magpayo, BSA student mula sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas.
Ivan Jetrho Mella, 23, mula sa Km64, Tulasalitaanph at KAMANDAG.
Franchesca Timbreza, isang estudyanteng kumukuha ng programang Batsilyer ng Artes sa Filipinolohiya sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas si Franchesca B. Timbreza. Mahilig magbasa ng tula kaya’t kinahiligan ang pagsusulat at pagbigkas nito. Minulat siya ng kaniyang mga nagdaang propesor na mahalin ang Panitikang Pilipino. Hindi ganoon kaganda pero ikinasisiya niyang hindi siya madalas dalawin ng mga tigyawat.
Christian Oliquino, mabait. ‘Di makabasag pinggan. Tahimik. Haha.
‘Di man naka-enroll ay patuloy pa ring nag-aaral. Parti ng mga grupong Kataga, KAMANDAG, KM 64 at Kalimbahin.
Billy Ibarra. Si Billy ay kasapi ng KM64 Writers Collective. Nagtapos ng AB History sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas at ngayo’y kumukuha ng MA Araling Pilipino sa Unibersidad ng Pilipinas. Kasalukuyan siyang hirap na hirap sa pag-aaral ng panitikan at kasaysayan. Ginusto mo ‘yan kaya bahala ka.
Hindi pa siya sumasali sa mga writing fellow, wala pa siyang naipapanalo sa mga sinalihan niyang patimpalak, at mas lalo naman na wala pa siyang sariling aklat. Siya ay naniniwalang walang saysay ang pagsusulat kung ito ay walang saysay.
Allen Young, estudyante ng Master ng Artes sa Filipino sa PUP. Chat n’yo siya kapag bored kayo.