kaIBABAIhan

(ka๐—œ๐—•๐—”han + ka๐—•๐—”๐—•๐—”๐—œhan)

 

 

August 30 to September 27, 2020
Opening
Sunday, August 30 | 4 PM
Giant Dwarf Art Space

Instagramย  ย  ย Facebook

 

An all-women show featuring recent works by Jie Adamat, Ces Eugenio, Anne Faus, Mitch Garcia, Pabsie Martus, Joyce Cervera Mallari, Jana Mendoza, Keiye Miranda-Tuazon, Ayra Sayat, Aui Suarez, and Jerline Sunga

 

โ€œ๐˜’๐˜ฎ ๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ต๐˜ค๐˜ฉ, ๐˜’๐˜ฎ ๐˜ข ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ท๐˜ฆ๐˜ณ, ๐˜’๐˜ฎ ๐˜ข ๐˜ค๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ๐˜ฅ, ๐˜’๐˜ฎ ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ฐ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ณ
๐˜’๐˜ฎ ๐˜ข ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ณ, ๐˜’๐˜ฎ ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ๐˜ต, ๐˜ ๐˜ฅ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ต ๐˜ง๐˜ฆ๐˜ฆ๐˜ญ ๐˜ข๐˜ด๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฅ
๐˜’๐˜ฎ ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ณ ๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ญ, ๐˜’๐˜ฎ ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ณ ๐˜ฅ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ข๐˜ฎ, ๐˜’๐˜ฎ ๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฃ๐˜ฆ๐˜ต๐˜ธ๐˜ฆ๐˜ฆ๐˜ฏ
๐˜ ๐˜ฐ๐˜ถ ๐˜ฌ๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ธ ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ถ ๐˜ธ๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ฅ๐˜ฏ’๐˜ต ๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ต ๐˜ช๐˜ต ๐˜ข๐˜ฏ๐˜บ ๐˜ฐ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ณ ๐˜ธ๐˜ข๐˜บ.โ€

– ๐˜”๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ต๐˜ฉ ๐˜‰๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฌ๐˜ด, โ€œ๐˜‰๐˜ช๐˜ต๐˜ค๐˜ฉโ€

Ito ang kauna-unahang all-women show na idadaos ng Giant Dwarf Art Space! Nabuo ito sa pagpapaunlak ng mga sumusunod โ€“ Jie Adamat, Ces Eugenio, Anne Faus, Mitch Garcia, Pabsie Martus, Joyce Cervera Mallari, Jana Mendoza, Keiye Miranda-Tuazon, Ayra Sayat, Aui Suarez, at Jerline Sunga โ€“ sa paanyayang makasabay ng two-woman show nina Sarah Geneblazo at Grets Balajadia.

Maaaring sabihin na hindi na gaanong nakamamangha na magkaroon ng group show ang mga babaeng artist. Marami na ring mga babaeng artist ang kayang makipagsabayan, at โ€˜di-miminsang nakauungos pa nga, sa mga lalaking artist ding tulad nila.

Pero tagumpay at pag-usad pa ring maituturing ang ganitong mga pagsasagawa, lalo paโ€™t may mga pagbabalik sa kasalukuyang lipunan ng mga makalumang kaisipan na hindi nagsusulong at nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng dangal ng bawaโ€™t tao, babae man, o lalake, o LGBT(QIA+). Patunay ang ganitong mga pagtatanghal sa ating pagkilala, pagbubunyi, at pagpapasigla sa angking husay ng kababaihan sa ibaโ€™t ibang larangan.

Kaagad na tatambad sa manonood at mambabasa ang lawak at yaman ng tema, husay, at pananaw ng kababaihang kalahok sa exhibit na ito. Maaaring hanapin ang pagkakatulad (at tunay na marami din naman!), ngunit litaw-na-litaw ang kani-kanilang ๐˜ฌ๐˜ข๐˜๐˜‰๐˜ˆ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ. Kahit pa pagtuunan ang maaaring pinaka-halatรกng pagkakatulad nila, na siyang naging batayan ng kanilang pagkakalahok sa exhibit na ito, hindi pa rin maitatali at maikukulong sa iisang kahulugan ang kanilang tingin at pag-unawa sa sariling pagkababae o ๐˜ฌ๐˜ข๐˜‰๐˜ˆ๐˜‰๐˜ˆ๐˜๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ, mapa-indibidwal man o pangkalahatan.

Walang iisang ๐˜ฌ๐˜ข๐˜‰๐˜ˆ๐˜‰๐˜ˆ๐˜๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ. Sa kaibuturan nito, umaapaw ang ๐˜ฌ๐˜ข๐˜๐˜‰๐˜ˆ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ.

Ang ๐˜ฌ๐˜ข๐˜‰๐˜ˆ๐˜‰๐˜ˆ๐˜๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ ay ang dilim, ang rosas, ang bubuyog, ang pagtatrabaho at pagkahapo, ang azalea, ang maleta, ang aklat at ang aklatan, ang hikaw, ang puwang, at paghahanap sa mga upuan, ang salamin, at pananalamin, ang lipstick, at paglilipstick, ang mukha, ang buhok, ang pagkagulantang at pagkagulat, ang mata, ang pagmamasid, ang bahaghari, ang face mask, ang pagpapamalas at pagkukubli, ang mga ibon at diwang pinalalaya matapos ang mahabang pagkakakulong, ang sapatos, ang lumot at paghihintay, ang kaktus at makakatas na halamang umuusbong sa pagkalinga, ang kabute, ang kamatayan, buto at kalansay, at ang buhay din, ang karagatan, at ang tubig, umaagos, dumadaloy, umaalon, at may pagkakataon pang rumaragasaโ€™t dumadaluyong.

Mag-ingat!

Ang ๐˜ฌ๐˜ข๐˜‰๐˜ˆ๐˜‰๐˜ˆ๐˜๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ ay ๐˜ฌ๐˜ข๐˜๐˜‰๐˜ˆ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ.

Hindi maitatatwa, hindi matatawaran.

๐˜ฌ๐˜ข๐˜๐˜‰๐˜ˆ๐˜‰๐˜ˆ๐˜๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ.

Teksto ni Ian Lomongo

 

Visitors are welcome by appointment only. To make an appointment or inquiries, message or contact 0977-1400559