1/10 days of Art mula 10 hanggang 19 ng Pebrero
by Randy Nobleza
Bilang bahagi ng aking sabbatical leave, dumadalo ako ng pilot testing ng mga modyul para sa mga nagsisimulang mananaliksik buhat sa National Research Council of the Philippines (NRCP) sa iba-ibang petsa ngayong Buwan ng mga SIning. Ang unang araw ay nang nakaraang Pebrero 16 para sa unang dalawang modyul, ang kasunod ay sa Pebrero 21 para sa kasunod na dalawang modyul at ang huli ay sa Pebrero 24 naman ang para sa huling dalawang huling modyul. Sa paggitan ng mga petsang ito ang pagsaglit ko sa mga nais kong pook o lunang ng kolaborasyon. Dumalaw ako sa Polyteknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) noong Biyernes sa Center for Philippine Studies para sa publikasyon ng disertasyong kong tungkol sa lokal na mga produksiyon ng kaalaman sa kapuluan.
At ito na nga, ang isang partikular na aspekto ng Art Fair Philippines ngayong taon, mula sa dalawa o tatlong taong pandemic ay halaw sa rehiyonal na sentro ng produksiyon ng sining. Itong weekend ay sinadya ko ang bahagi ng 10 days of Arts mula Pebrero 10 hanggang 19. Ang nagsilbing tagapagpadaloy ng talakayan ay si Mam Boots Herrera ng Ateneo Art Gallery kung saan natuto ako sa level 3 ng Museum Management Training ng Museo Kordilyera para makapagsimula ng sariling museo sa Marinduque State College. Ang mga napiling magbahagi ay mula sa rehiyon ng Mindanao, Visayas at Luzon. Tugma at parallel ito sa mga napili ko ring paksa sa doktorado ko sa Araling Pilipino, hindi nga lang parehong lugar kagaya ng Pampanga, Cebu at Davao. Gayunpaman, naging mabunga at produktibo ang palitan ng sitwasyon at konteksto sa Cagayan, Bacolod at Baguio.
Nakakatuwa rin nasa audience, kabilang sa mga naonood at nakinig ang isa sa mga nagsulong sa kongreso para maging ganap na batas sa Pilipinas si Cong. Toff De Venecia. Isang delatye rin ang ilang sa kasama ni Kawayan de Guia sa No Space for Baguio ang kasama naming sa dumalo ay si Tom Hafalla nakasabay naming sa eksibit sa Vargas museum noong 2015 para sa Project Bakawan na Ethos, Bathos, Pathos. Napahanga ako at napabilid sa naging takbo at direksiyon ng diskusyon kung ano magagawa ng mga artists, organisasyon at gobyerno para sa ikauunlad pa ng sining, kultura at pagkamalikhain sa kapuluan.
Nagalak din ako sa mga pagkakaroon ng mga incubator at residency program mula sa La Union, Palawan at Bacolod. Sulit na sulit namang makita at maranasan muli ang dagsa ng mga tao na may interes sa sining at pagiging malikhain. Naalala ko nang ako ay naging apprentice sa Sentrong Pangkultura ng PIlipinas (CCP) kung saan may lakbay-aral kami pagkatapos ng mahigit kumulang 30 araw ng pag-apprentice sa library at archives, dumaan at dumalaw kami sa iba-ibang art spaces mula sa Marikina, Rizal hanggang sa Laguna.
Malaking bagay ito sa mga susunod pang hakbang na tatahakin ko sa sabbatical leave upang mapag-ibayo pa ang araling pang-isla at pangkapuluan. Baon ko ito sa New Era University na may bagong sertipikong programa din sa Philippine Studies at gayundin sa Arts Congress ng Pamantasang De La Salle na magkakaroon ng ika-16 na Arts Congress. Hindi lang pala ang Kaisa sa Sining ang sampung taon na sa CCP outreach, maging ang PUP Creative writing Center din ay higit na sa isang dekada simula pa noong mga unang edisyon ng Biyaheng Panulat. Ang Art Fair pala ay nagsimula din noong 2013 at kahit tinamaan ng Covdi19, mas masigla ang “siningdustriya” ani nga sa De La Salle Arts Congress at may suporta na sa RA 11904 o Philippine Creative Industries Development Act. Isang araw sa Art Fair Ph, sa susunod ay lalabas din ang libro ni Axle Tugano na “Banwa at Layag” at ang zine ni May Morales-Dolis na “Ayon kay Kid Talaba at iba pang tula.” Magkakaroon din ng bahagi ang “island and archipelagic studies MOOCs” sa Pandaigdigang Webinar-Worksyap sa Araling Pilipino bago matapos ang Buwan ng mga Sining at ang ika-9 na PASCHR (The Philippine Association for the Study of Culture, History and Religion) International Conference sa isla ng Catanduanes para naman sa Buwan ng Pamana.