Koneksyon

Jon Romero | Dennis Delos Santos

 

 

June 25 – July 25, 2023
Espacio Manila 
2nd Level Festival Mall – Expansion Wing, Alabang 1781, Muntinlupa City, Philippines
Website     Facebook     Instagram

 

Ang bawat obra ay tumatalakay sa mga paksang pantao, mga bagay na nag-ugnay sa dalawang artists mula nang magtagpo sila sa Alitaptap Artists Community.

Ang mga paksa ay tumatalakay mula sa mga karanasan tulad ng mga naging impluwensya sa sining biswal lokal man o banyaga, mga taong nakasalamuha, nakilala, naging kaibigan, mabuti o masama. Ito ay nagpapaintindi ng kahalagahan ng kabutihan, positibo, at ng kaugnayan nito sa negatibo at mga kasawiangpalad na ating nararanasan, upang maunawaan natin ang koneksyon ng mga ito sa ating buhay. Mga kwentong pagbangon mula sa mga di magandang experiences patungong kaayusan, mga pagbabahagi ng pagkakaunawa sa kahalagahan ng mga tao, bagay, hayop, at kalikasan na nag-ugnay sa dalawang artists na ang adhikain ng ekshibisyong ito ay magpamalas at makapag turo ng mga aral na nagko-konek sa bawat kwento na gamit ang pinagsama-samang recycled, etched acrylic, painted, etched aluminum cladding, at sound art.