#NeverForget Concert

Saturday, January 30 at 7 PM Bantayog ng mga Bayani Bantayog Center, Quezon Avenue, Diliman, Quezon City

Saturday, January 30
at 7 PM
Bantayog ng mga Bayani
Bantayog Center, Quezon Avenue, Diliman, Quezon City

 

Konsyerto tungkol sa Batas Militar

Magsasama-sama ang mga Pilipinong kompositor at musikero sa isang konsyerto ngayong katapusan ng Enero na pinamagatang #NeverForget, isang pagbabalik-tanaw sa tunay na naganap noong Batas Militar, sa panahon ng pamumuno ni dating Presidente Ferdinand Marcos.

“Naniniwala ako sa sinasabi ng manunulat na si Edmund Burke na ‘Those who don’t know history are doomed to repeat it’” paliwanag ni Cooky Chua, mang-aawit ng grupong Tres Marias, Color It Red, at kasapi ng LAPIS. “Dapat masusi ang pag-aaral sa Batas Militar at gumawa tayo ng paraan para hindi na ito maulit pa.”

Ang League of Authors of Public Interest Songs o LAPIS ay isang organisasyon ng mga kompositor at musikero na nagtataguyod ng pampublikong interest ng mga Pilipino. Noong nakaraang taon, isang serye ng mga pagtatanghal ang inilunsad ng LAPIS para sa mga Lumad na biktima ng militarisasyon na ibinunga ng dayuhang pagmimina. Maglalabas din sila ng kauna-unahang public interest music album ngayong Marso.

“Marami akong kakilalang dumaan sa mga katakut-takot na karanasan noong panahong iyon. At marami din akong kaibigan na nilabanan ito sa iba’t ibang paraan na kaya nila,” ayon kay Chua. “Mahalagang maipaalam ito sa kabataan alang-alang sa kinabukasan ng ating bayan.”

Magtatanghal kasama nya ang mga kapwa LAPIS Board of Trustees na sina Gary Granada, Bayang Barrios, Chickoy Pura, at Lolita Carbon.

“Pinapahalagahan namin sa LAPIS ang pagkalap ng tamang impormasyon,” dagdag ni Chua. “Hangad naming lumawak pa ang abot ng tamang impormasyon tungkol sa Martial Law. Instrumento namin dito ang aming mga kantang dala-dala.”

“Ito ay sa pakikipagtulungan sa mga pamilya ng mga martir noong Batas Militar sa pangunguna ng Bantayog ng mga Bayani Foundation,” ayon kay Karl Ramirez, kompositor, musikero, at kasalukuyang Executive Director ng LAPIS. “Makasaysayan din ang ika-30 ng Enero dahil ito ay bahagi ng First Quarter Storm ng dekada 70, isang makasaysayang araw na dapat maipaunawa sa mga kabataan ang kabuluhan.”

“Dapat maintindihan nila bakit may pag-aaklas sa kabila ng matinding panunupil ng iilang maykapangyarihan noong panahong iyon” dagdag ni Ramirez. Kasama siya at iba pang myembro ng LAPIS sa mga magtatanghal sa pagbubukas ng konsyerto. “Adhikain ng LAPIS na maging instrumento ng pagbabago sa pamamagitan ng
paglikha ng mga awiting nagsasalamin ng kalagayan at nagtutulak sa sambayanan na labanan ang katiwalian,” pagtatapos ni Ramirez.

“Tulungan nating malaman ng kabataan ang tunay na kalagayan noong Batas Militar at maging kritikal sa mga nangyayari sa paligid,” dagdag ni Chua. “Tutulong kami dyan, ‘yan ang tiyak! At sana kahit papaano’y tayo’y magtagumpay.”

Ang konsyertong #NeverForget Martial Law ay magaganap mismo sa loob ng Bantayog ng mga Bayani Center sa kanto ng EDSA at Quezon Avenue sa Enero 30. Magbubukas ang venue ng 5PM at magisimula ang tugtugan ng 7PM.

Ang tiket ay nagkakahalagang P50 at maaring ipagtanong sa www.bantayog.org/neverforgetconcert

 

 

For reference and contact information:
Karl Ramirez
Executive Director
League of Authors of Public Interest Songs (LAPIS)
Unit 103 A.N.Y. Building, Timog Avenue, Barangay Laging Handa, Quezon City
(+632) 372-2919 | lapisphilippines@gmail.com | lapismusic.wordpress.com
Facebook: lapisphilippines | Twitter: @lapisph
Cell: 0932-8906690

 

Si Cooky Chua ay isa sa mga Board of Trustees ng LAPIS at grupo ng mga grupong Tres Marias at Color It Red. (Litrato ni Pol Torrente / LAPIS) Si Cooky Chua ay isa sa mga Board of Trustees ng LAPIS at grupo ng mga grupong Tres Marias at Color It Red. (Litrato ni Pol Torrente / LAPIS)

 

Si Karl Ramirez ay isang kompositor, musikero, at kasalukuyang Executive Director ng LAPIS. (Litrato ni Pol Torrente / LAPIS) Si Karl Ramirez ay isang kompositor, musikero, at kasalukuyang Executive Director ng LAPIS. (Litrato ni Pol Torrente / LAPIS)