Saturday, August 15, 2020 | 4 PM – 6 PM
Facebook Live via Stream Yard
Kwago
1403 Apolinario, corner Heneral Estrella, Bangkal, 1233 Makati, Philippines
Website Facebook Instagram YouTube
Mga gurong nasa tabi ng kalsada, humahanap ng signal. Isang estudyante sa kolehiyo na nanghihingi ng piso pambili ng laptop. Mga magulang na abala sa paghahanap ng pambili ng pagkain dahil nawalan ng trabaho ngayong pandemya. Iilan lamang ito sa mga tumitinding pagsubok at pinagdadaanan ng mga mamamayan nating nabibilang sa sektor ng edukasyon.
Kahit pa kabi-kabila ang press conferences at webinars ng DepEd Philippines upang ipagmalaki ang Learning Continuity Plan (LiCP), mapapansing hindi kasali ang mismong kabataan at mga magulang sa kanilang usapan. Paano ang mga pamilyang limitado lamang ang gadget at pang-load? Kung modyul ang gagamitin, paano ito makakarating sa mga bata nang hindi inilalagay sa panganib ang kalusugan ng kahit sino? Tapos na ba at ano ang kalidad ng mga ito? Paano ang mga magulang na nawalan ng trabaho at limitado ang kakayahang turuan ang kanilang mga anak sa bahay?
Sa kabila ng mga pahayag ni DepEd Secretary Briones na handa na ang sistema sa pagbubukas ng klase sa gitna ng pandemya, kapansin-pansin sa mga nabanggit na senaryo ang kabaliktaran. Ayon sa survey ng Alliance of Concerned Teachers-Philippines (ACT) na isinagawa noong Hulyo 18-22, 1 sa 5 guro ang walang magamit na kompyuter para sa Online Distance Learning habang 1 naman sa 4 ang walang maayos na koneksyon sa internet. Mahigit 70% sa kanila ang nagsabing wala pang gaanong kaalaman sa multimedia production na mahalagang kasanayan para sa nasabing moda ng pagtuturo. Sa Modular Distance Learning naman, 9 sa 10 guro ang hindi pa nakatatanggap ng mga modyul.
Hindi dapat matapos ang pag-aaral, ani Briones. Ngunit natatapos nga ba ito sa labas ng paaralan? Ano-ano ang matagal nang mga suliranin sa edukasyon sa Pilipinas na isinisiwalat ng pandemya?
Iyan at marami pang iba ang ating pag-uusapan sa ikalawang episode ng Sitwasyon, isang espasyong pantalakayan na ginaganap kada-ikalawang Sabado sa pagpapadaloy ng guro at manunulat na si Roma Estrada.
*live graphic recording by Claudine Dlfn*
Spread the word: https://bit.ly/sitwasyonep2
poster art by: Dyem Carreon
photo: Narod Eco
ABOUT KWAGO
A community bookstore and publishing lab, Kwago fosters independent publishing, Philippine literature and cultural production through co-creating alternative modes of access and distribution, collaborative learning, and international exchanges. We develop exhibitions, publications, programs and projects to nurture trans-disciplinary dialogues and cooperation. The distinction between reading, writing, curating, cooking, drinking, dancing, talking, coding, composing, publishing, resisting, and other gestures are fluid to us.