TUMINDIG!

Atin ang Kapangyarihan Concert-Festival

 

 

🎶 PAKINGGAN MO ANG SALITA, ‘DI MAPIGIL NA SALITA 🎶

Excited ka na bang makipagrakrakan kasama ng tropa? Maki-scream at the top of your lungs with feelings? Kung oo, go na agad sa Sabado, April 9, at ipakita ang iyong kagitingan sa TUMINDIG! Atin ang Kapangyarihan Concert-Festival. LIBRE lang at hindi na kailangang mag-register!

Makakasama natin ang dicta license., Oh, Flamingo!, Lola Amour, Leanne and Naara, The Male Gaze, Ja Quintana, Chicosci, Cheats at marami pang iba!

At bilang pagtatapos ng Dokyu Power Festival, may special one-time live screening pa ng sikat, Oscar-nominated, at pawer na documentary film, Writing with Fire.

Oh ano, g na agad! Kitakits sa Liwasang Diokno sa Commission on Human Rights at sabay-sabaaay~ tayong tumindig bago ang nalalapit na eleksyon!

#DokyuPower #Tumindig #Rakrakan