BaRaptasan

CCP Kanto Kultura

 

 

Sa nalalapit na pagdiriwang ng ika-100 taon ng Balagtasan sa Pilipinas, inihahandog ng Cultural Center of the Philippines sa kauna-unahang pagkakataon ang CCP Kanto Kultura BaRaptasan 2024. Ito ay isang patimpalak na naglalayon na pagyabungin ang kaalaman sa literatura sa pamamagitan ng paggamit ng ibang pamamaraan (RAP) upang bigyan ng bagong timpla ang tradisyonal na Balagtasan.

Kaya ano pa ang hinihintay mo. Ito ay bukas at libre sa publiko, mula tatlong taong gulang pataas.

Magregister na

Paalala: Dumating ng 30 minutes bago magsimula ang programa dahil tatanggap ng mga walk in audiences para okupahan ang mga upuan.