KM17: Asintadong Panitikan

 

Tuesday, March 10, 2020 | 6 PM – 12 AM
Conspiracy Garden Cafe
#59 Visayas Avenue, 1100 Quezon City, Philippines

 

Ang Kilometer 64 Writers’ Collective (KM64) ay nagsimula lamang sa palitan ng tula sa yahoo groups. Kalaunan, lubusang niyakap nito ang adhikain ng Kabataang Makabayan na naitatag noong 1964 na pinaghugutan ng inspirasyon sa kanyang pangalan kaya itinatanghal ng mga akda ng KM64 ang hapis at galak ng sambayanan.

Sa darating na Marso 14, labimpitong na taon nang tinutulaan ng KM64 ang di matapos-tapos na paghahanap ng kapayapaan, hustisya at lipunang wala nang pagsasamantala.

Kaya naman samahan ninyo kami sa pagdiriwang ng ika-17 na anibersaryo sa Marso 10, 6PM-12AM, gaganapin sa Conspiracy Garden Cafe.

Karangalan naming tulaan ang sambayanan!