PINTIG

 

March 26 – April 10, 2022
Opening 
March 26, Saturday, 3 PM
AP’LAYA Art Gallery
(Ang Pagpipintang maLAYA)
“The First Art Gallery in Batangas City”
Brgy. Bolbok Diversion Road, Batangas City
(In front of St. Camilus Hospital)

 

Ang pamilya ang pangunahing yunit ng lipunan. Ito ang simula ng kamalayan ng isang musmos, siyang kandili ng pag-aalaga, pagkamulat at paglago. Dito ay bumubukal ang pagmamahal, pagkakaintindihan at kapayapaan. Sa makabagong panahon ay binibigyan ito ng iba-ibang dibuho na minsan ay hindi lang nasusukat sa ugnayan ng pusod o ng dugo. Ito ay maaring iisang PINTIG ng pagtibok ng puso o mga kaluluwa sa iisang pananaw.

Halina sa tahanan ng sining at paglikha. Naririto sa kaunaunahang paglalahad ng Gallery Ap’LAYA, ang pagsasama-sama ng mga manlilikha ng sining sa lupon ng Art’e Bauan at Art’e Likha upang lalong mapatingkad ang kulay ng pagmamahalan ng pamilya. Tuloy po kayo!