PUP Iskolaris 2024

ESPASYO PARA SA PAGDIRIWANG AT PANININDIGAN? SA ISKOLARIS MATATAGPUAN!
Naghahanap ka ba ng pahinga bago matapos ang taon? Tiyak, ISKOLARIS ang hinahanap mo. Ating idaraos ang isang matagumpay na taong puno ng mga sakripisyo’t pagsusumikap, kasama ang iba’t ibang magagarbo at kapanapanabik na pagtatanghal tulad ng discussions, kantahan, indakan, drag performances, at iba pa.
Ating balikan at pagpugayan ang mga panahong wala tayong tulog dahil sa magdamagang exams, noong madilim at mainit sa ating mga silid-aralan pero patuloy pa rin ang ating pag-aaral, o ‘di kaya ang pagpasok sa PUP tapos biglang cancelled ang klase. 🥵
Ito ay ilan lamang sa mga kwentong humuhubog sa atin bilang PUPian. Mapupuno ang Lagoon kung iisa-isahin ang lahat ng ating mga karanasan. Kaya’t tulad ng espasyong sinisikap ihandog ng ISKOLARIS, patuloy ang pakikibaka para sa sapat at ligtas na student spaces sa loob ng pamantasan at ating sairin ang puwang sa pagpapahintulot ng marahas na Mandatory ROTC.
Ano pang hinihintay mo? Sama-sama tayong tumindig sa ating mga kampanya at punuin ang 𝗣𝗨𝗣 𝗢𝘃𝗮𝗹 sa darating na 𝗗𝗶𝘀𝘆𝗲𝗺𝗯𝗿𝗲 𝟭𝟵-𝟮𝟬 para sa 𝐘𝐞𝐚𝐫-𝐄𝐧𝐝 𝐂𝐨𝐧𝐜𝐞𝐫𝐭! 🌟
𝗧𝗮𝗸𝗶𝘁𝘀, 𝗜𝘀𝗸𝗼𝗹𝗮𝗿 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻!
