Ang Bayani ay Tayo

 

November 27 – 29, 2020
Cultural Center of the Philippines

Website     Facebook     YouTube     Vimeo

 

Pasiklabin ang alab ng nasyonalismo ngayong buwan ng Nobyembre! Itinatampok ng CCP Arthouse Cinema ang mga piling pelikula mula sa Cinemalaya at Gawad Alternatibo na sumasalamin sa buhay ng mga bayani noon at ngayon bilang pagdiriwang ng Araw ni Gat Andres Bonifacio.

Libreng mapapanuod ang “Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio”, “Dagami Daytoy”, “Hollow Blocks”, “Puting Ilaw”, at “Pilipinas” simula Nobyembre 27 hanggang Nobyembre 29, 2020 sa CCP Online.

Ang bawat pelikula sa programang ito ay paanyaya upang tunghayan ang buhay at pakikibaka ng mga makabagong bayani. Itinatampok at ipinagbubunyi sa mga pelikulang handog ng CCP Arthouse Cinema ang mga Bonifacio ng ating panahon.