Tunay na Pangalan ng Hindi Kilalang Anino

Doktor Karayom

 

 

March 4 – 25, 2023
Opening
March 4 | 6 PM
Art Cube Gallery 
Unit 104 G/F Building 3, OPVI Center, 2295 Pasong Tamo Extension, Makati

Website     Facebook     Instagram     Waze: OPVI Center

 

Update mo na yung bio mo……

nakita ko ang sarili ko na tumulala,
umikot ang itim ng dalawang hindi pantay na mata palubog
nangangatal ang mga ngiping dilaw at sungki
hinigop ako ng aking sarili mula sa buntong hininga bago umubo

napunta sa boob ng aking utak na may studio apartment ang laki
at may nakasulat na pabrika..
dito ko niluluto yung mga ideyang napupulot ko sa labas ng mata
ayus din dito.. may litrato ng pamilya ko, kabiyak, kaibigan at mga aso..
may tubig at baso…… maraming insenso…

may isang upuan na nabili ko sa divisoria mall na buti mura lang..
may uupuan na din ako pagkatapos mangalay sa bigat ng dinadala
na hindi ko maintindihan ko saan ko dadalhin..
tahimik akong dumadaldal na din…

may sulok dito sa lugar na ito
kung saan ako umiiyak ng tahimik
dito ko sinasanay umiyak gaya ni jaclyn jose,
yung iyak na makakatulog ka pagkatapos…

pinahinga ko muna ang aking sarili sa pag ukit at hulma
dahil sa katawang tao ko na tumatanda na pala..
isang buwan na pahinga lang ang ginawa ko..
baka kasi magtampo…

may isang gamit akong kinatatakutan.. yun ay ang langis…
hindi ko kasi alam kung paano ito gamitin..,
ang tagal pang matuyo….
ilang araw ko din itong may takot na sinusuyo….

hanggang sa ako’y kusang nagpayanggaw sa kapangyarihan nito
ipinahid ang langis sa katawan para mag iba ng anyo..
ako pa rin naman ito… nagdagdagan lang ng pangil at pakpak
tumalas ang kuko gaya sa dila at utak,,,

dala na rin ng takot ko sa hinaharap..
hinarap ko din ang takot kong dala..
panibagong gutom na nadarama

naghahanap ng puso…… para malamnan ang kalam ng sikmura..

sana makalipad ako ng mas malayo……

hindi ko na hahabaan ang write up ko na to.
alam ko naman na tinatamad ka ng basahin ang pinagsasabi ko…

tuloy po kayo….

– Doktor Karayom